Pages

Tuesday, January 4, 2011

simula...

simula..

simula ng alin? ng bagong buhay kasi bagong taon?....

yan marahil ang nasaisip mo ng sinabi kong simula. marami ang sadyang nagbabago at binabago at nangangakong magbabago sa simula ng taon, at marami din ang napapako dahil sa simula lang din ito nagtatapos... marami ang may new year resolution.. pero sadya nga bang kailangan ng bagong taon para lang magkaresolution sa buhay? hindi ba pwedeng sa bawat araw na nagdaan ay magbago sa ikauulad? or lingguhang mag-imbestiga ng sarili at magsiyasat kung may nagawang tama?

new year resolution? nagagawa nga ba talaga nito yun mga bagay na kanilang nasabi or sadyang nasabi lang nila ito para may masabing may new year resolution sila? hindi ba pwede araw araw ay may resolusyon sa buhay? madaming mga tanong ang bumabalot sa tagapagsulat kung bakit pa may new year resolution, kung pwede naman wala at magbago na lang.. hindi pa kailangan magpagod sa pagsulat dahil ito'y naman ay gagawin.. hindi ba? hindi mo na kailangan sabihin at ipagmalaki(?) sa iba at mangako na magbabago ka kahit ikaw mismo sa sarili mo alam mo na may malaking posibilidad na hindi mo ito magawa at kung hindi rin naman ito sasang-ayon kay panaho't oras? hindi ba?

ee.. ikaw? ano sa palagay mo??




*ang topic na ito ay hindi nagsasabi bawal at ayaw ng manunulat sa new year resolution bagaman ito'y totoo sa kaniyang diwa.. marahil ang mga nasabi ng manunulat ay bunga ng kaniyang malikot na imahinasyon at naiirita(?) na din sa mga sulpot-sulpot na new year resolution na hindi niya pinaniniwalaan mangyayari (?) *ginagawa* at hindi rin naman nagagawa. tayo lahat ay may kanya kanyang opinyon mula rito kaya salamat sa mga nagbabasa at tumatangkilik kung meron talaga.. hehe ^^*

No comments: