bakit kaya?
yaan ang tanong ng madaming tao sa sarili nila? bakit kaya ganito? ganoon? ganyan? puro bakit kaya? yaan din ang nasa-isip ko ngayon? bakit kaya? bakit kaya ang tamad ko? bakit kaya hawak ang gitara habang ng tatayp ako? pwede ko naman ibaba panandalian yun gitara at magtayp pagkatapos no'n... bakit kaya sa nakalipas na araw na nagdaanan.. bakit kaya nasa isip ko lang ang mga basa? at hindi naman talaga nahahawak ang aklat? bakit kaya ganito ako? bakit kaya sya gano'n? anu kaya meron? haaaay.. puro bakit kaya ang tumatakbo sa malikot kong himahinasyon.. siguro ang kasagutan nasa tanong ko din na bakit kaya?
bakit kaya di ko na lang kaya gawin lahat ng kailangan kong gawin para matapos na ang mga dapat tapusin.. bakit kaya nagpapaantala pa ako na pwede ko naman ipagpaliban ngayon yun mga bagay na ginagawa ko yamang hindi naman gaanong importante..
siguro nasa akin lang talaga kung kikilos ako o hindi.. :) sabi nga ng propesor ko sa agham ng pagaaral ng tao, ugali at kasanayan sa isang organisasyon (HBO) "is ALL in the mind" nasa utak ko lang kung bakit ganito.. bakit ako nagtatanong pa sa sarili ko ng BAKIT KAYA??
ikaw? natanong mo na din ba ang tanong kong BAKIT KAYA? ano ang iyong sagot?
No comments:
Post a Comment