Pages

Monday, October 24, 2011

Paano Ko Makakayanan ang Break-up Namin?

“Anim na buwan na kaming magkasintahan at limang taon na kaming magkaibigan. Nang gusto niyang makipag-break, ni hindi niya kayang humarap sa akin. Basta hindi na lang niya ako kinausap. Wala akong magawa. Lumung-lumo ako. Lagi kong tinatanong ang sarili ko, ‘Ano ang nagawa kong mali?’”—Rachel.


DAHIL sa break-up ninyo, baka hindi mo na makuhang ngumiti at palagi ka na lang umiiyak. Tingnan natin ang pinagdaanan nina Jeff at Susan, na dalawang taóng naging magkasintahan. Sa loob ng panahong iyon, nahulog nang husto ang loob nila sa isa’t isa. Sa maghapon, madalas pinadadalhan ni Jeff si Susan ng mga romantikong mensahe sa pamamagitan ng pagte-text. Paminsan-minsan, nireregaluhan din siya ni Jeff para ipadamang naaalaala niya siya. “Laging nandiyan si Jeff para makinig sa akin, at nauunawaan niya ako,” ang sabi ni Susan. “Ang sarap ng pakiramdam.”

Di-nagtagal, sina Jeff at Susan ay nag-uusap na tungkol sa kasalan at kung saan sila titira kapag mag-asawa na sila. Tinanong na nga ni Jeff kung ano ang sukat ng singsing ni Susan. Pagkatapos, bigla na lang nakipag-break si Jeff! Gumuho ang mundo ni Susan. Nakukuha pa rin niyang gawin ang trabaho niya sa maghapon, pero dahil sa trauma ay parang wala siyang pakiramdam. “Pagod na pagod ang isip at katawan ko,” ang sabi niya.

Kung Bakit Masakit Iyon

Kung pareho kayo ng naranasan ni Susan, baka maitanong mo, ‘Makakayanan ko kaya ito?’ (Awit 38:6) Normal lang na malungkot ka. Ang break-up ay baka isa sa pinakamasaklap na naranasan mo. Sabi nga ng ilan, para ka na ring namatayan. Baka madama mo ito at ang iba pang karaniwang mga yugto ng pagdadalamhati, kabilang na ang:

Pagkakaila. ‘Hindi totoo iyon. Magbabago rin ang isip niya pagkalipas ng isa o dalawang araw.’
Galit. ‘Paano niya nagawa ito sa akin? Ayaw ko na siyang makita pa!’
Depresyon. ‘Hindi talaga ako kaibig-ibig. Wala nang magmamahal sa akin.’
Pagtanggap. ‘Okey lang ako. Masakit, pero kaya ko ito.’

Ang maganda nito, darating ka sa yugto na matatanggap mo ang nangyari. Kung gaano kahabang panahon ang kailangan ay depende na sa ilang bagay, kabilang na kung gaano katagal kayong naging magkasintahan at kung gaano na kayo kalapít sa isa’t isa. Samantala, paano mo makakayanan ang kasawian sa pag-ibig?

Magpatuloy Ka Lang

Baka narinig mo na ang kasabihang, Naghihilom ang sugat sa paglipas ng panahon. Noong kabe-break pa lang ninyo, baka walang epekto sa iyo ang kasabihang ito. Iyan ay dahil hindi lang paglipas ng panahon ang solusyon. Bilang paglalarawan: Ang sugat ay naghihilom sa paglipas ng panahon, pero sa ngayon ay makirot ito. Kailangan mong gumawa ng paraan para tumigil ang pagdurugo at maibsan ang kirot. Kailangan mo rin itong ingatan para hindi maimpeksiyon o lumala. Ganiyan din pagdating sa sugat sa damdamin. Masakit ito sa ngayon. Pero may magagawa ka para hindi ito lumala at mauwi sa paghihinanakit. Makatutulong ang paglipas ng panahon, pero ano ang puwede mo mismong gawin? Subukan mo ang sumusunod.

▪ Ilabas mo ang iyong kalungkutan. Hindi masamang umiyak. Sinasabi ng Bibliya na may “panahon ng pagtangis” at maging ng “panahon ng paghagulhol.” (Eclesiastes 3:1, 4) Ang pag-iyak ay hindi tanda ng kahinaan. Nang dumanas ng matinding kalungkutan, maging si David—isang magiting na mandirigma—ay nagsabi: “Sa buong magdamag, ang higaan ko’y tigmak ng luha.”—Awit 6:6, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.

▪ Ingatan mo ang iyong kalusugan. Ang ehersisyo at tamang pagkain ay makatutulong sa iyo na mabawi ang iyong nawalang lakas dahil sa depresyong dulot ng break-up ninyo. “Ang pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang,” ang sabi ng Bibliya.—1 Timoteo 4:8.

Anu-ano ang kailangan mong bigyang-pansin sa iyong kalusugan?
…………………………

▪ Maging abala. Patuloy mong gawin ang mga bagay na kinahihiligan mo. At ngayon, lalung-lalo na, huwag mong ibubukod ang iyong sarili. (Kawikaan 18:1) Kung sasama ka sa mga taong nagmamalasakit sa iyo, matutulungan ka nilang maging positibo.

Anu-anong tunguhin ang puwede mong itakda para maging abala ka?
…………………………

▪ Ipanalangin sa Diyos ang nadarama mo. Maaaring isang hamon ito sa iyo. Pagkatapos ng break-up, nadarama ng ilan na pinabayaan sila ng Diyos. Sinasabi nila, ‘Ipinanalangin ko naman sa Diyos na sana makakita ako ng magmamahal sa akin, pero ano’ng nangyari ngayon!’ (Awit 10:1) Gayunman, tama kaya na ituring ang Diyos na isang tagahanap ng kapareha sa buhay? Siyempre hindi; ni wala rin siyang pananagutan kung gustong makipag-break ng iyong kasintahan. Ito ang alam natin tungkol kay Jehova: “Siya ay nagmamalasakit sa [iyo].” (1 Pedro 5:7) Kaya kapag nananalangin, sabihin mo ang lahat ng iyong nadarama. Sinasabi ng Bibliya: “Ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.”—Filipos 4:6, 7.

Anu-anong espesipikong mga bagay ang puwede mong ipanalangin kay Jehova habang sinisikap mong harapin ang kirot na dulot ng inyong break-up?
…………………………

Harapin ang Bukas

Pagkatapos maghilom ang iyong sugat, baka makatulong kung pag-aaralan mo kung ano ang nangyari sa iyong nakaraang pakikipagkasintahan. Kung handa ka nang gawin iyan, baka makatulong sa iyo na isulat ang iyong sagot sa sumusunod na mga tanong.
▪ Sinabi ba niya sa iyo ang dahilan kung bakit siya nakipag-break? Kung oo, isulat ang dahilan sa ibaba, totoo man ito sa tingin mo o hindi.
…………………………
▪ Sa tingin mo, ano ang iba pang posibleng mga dahilan?
…………………………
▪ Kung babalikan ang nakaraan, mayroon ka bang naiisip na sana’y ginawa mo para hindi gayon ang nangyari? Kung mayroon, ano?
…………………………
▪ May natutuhan ka ba sa karanasang ito na makatutulong sa iyo na sumulong sa espirituwal o emosyonal na pagkamaygulang?
…………………………
▪ Kung mayroon man, ano ang hindi mo na gagawin sa susunod mong pakikipagkasintahan?
…………………………


Totoo, hindi nangyari ang inaasahan mong mangyari sa iyong pakikipagkasintahan. Pero tandaan: Kapag bumabagyo, ang madilim na ulap at bumubuhos na ulan ang una mong nakikita. Pero hindi magtatagal, titigil din ang ulan at aaliwalas ang kalangitan. Dumating ang panahon na nakayanan ng mga kabataang binanggit sa artikulong ito ang nangyari sa kanila. Kaya mo rin iyon!

Mas marami pang artikulo mula sa seryeng “Young People Ask” ang mababasa sa Web site na www.watchtower.org/ype

Wednesday, October 19, 2011

Good in Bad.. :)

I AM BAD in ENGLISH
BUT
i can tell you
that I LOVE YOU.

I am BAD in GEOGRAPHY
BUT
i can tell you
that you LIVE in my HEART.


I am BAD in HISTORY
BUT
I can REMEMBER
when i FIRST saw you.


I am BAD in CHEMISTRY
BUT
I can tell
WHATS the REACTION
when you SMILE.


I am BAD in PHYSICS
BUT
I can tell the
INTENSITY of SPARK of my EYES
when they SEE you.. !

Baliktanaw

"Ayaw mo na siguro ako makausap"

Mga katagang nasabit ko sa kanya no'n bilga syang nawala. Walang awayan ang nangyari basta't sya'y lumisan ng walang paalam. Ako naman ay nahiwagaan kung bakit. Anong mali? Ano ang nagawa ko na ayaw nya? Hindi ko mawari. Hindi ko maintidihan, basta't ang alam ko sya ay wala na.

Isa sya sa pinakamahalagang tao sa buhay ko lalo na nung may mawala sa buhay ko. Sya ang nakakausap ko sa twina, nangigising sa umaga, kukulitin sa hapon at kapuyatan sa gabi. Mahirap kalimutan ang isang tulad nya. Marami syang karanasan na hindi ko pa nararanasan, at maliban sa mga gusto ko sa kanyang pag-uugali ay ang kanyang katalinuhan. Oo, Mas matanda sya sakin. Malaki ang agwat, lima hanggang anim na agwat sa edad. Pero hindi ito naging hadlang upang kami ay maging kaibigan.

Nanghihinayang pa din ako hanggang ngayon kahit dalawang taon na ang nakalipas. Iniisip kung bakit? Ako ba ang dahilan? Sya? or Sila? Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming pinag-awayan.

Mahal ko sya, sa totoo lang. Kaya hinayang na hinayang ako sa aming pagkakaibigan. At ngayon ay nakakaranas na naman ako ng tulad sitwasyong ito. Isa na naman kaibigan na umalis. Siguro ako ang may kasalanan. Siguro ayaw nila sakin, Siguro may nagagawa talaga ako mali. Siguro, Siguro, panay Siguro. Walang kasiguraduhan pero ang sigurado ko lang unti-unti silang nawawala parang bula.

T.T

MOVE ON!

When people make you feel unwanted,
Don't leave to make them feel Sad or Guilty,They won't.
Leave because you no longer have a reason to stay.
Sometimes you have to be strong for yourself.
What’s meant to be will end up good and what’s not - won’t.

Love is worth fighting for,
but sometimes you can’t be the only one fighting.

At times, people need to fight for you.
If they don’t, you just have to move on
and
Realize what you gave them was more than
they were willing to give you !


Sometimes it's too late to make
things right,
Sometimes we hurt
others more than we realize ,
Sometimes a smile fades in front
of our eyes
and
Sometimes we are the reason for
tears in Someone's eyes. . .
Never treat anyone the way
you don't want to be treated ...
Love Life and Love The Ones.. !

Tuesday, October 11, 2011

True Friends Are... :1

A simple friend, when visiting, acts like a guest.
A real friend opens your refrigerator and helps himself and doesn't feel even the least bit weird shutting your
'beer/Pepsi drawer' with her foot!

A simple friend has never seen you cry.
A real friend shoulder is soggy from your tears..

A simple friend doesn't know your parents' first names.
A real friend has their phone numbers in his address book..

A simple friend brings a bottle of wine to your party.
A real friend comes early to help you cook and stays late to help you clean.

A simple friend hates it when you call after they've gone to bed.
A real friend asks you why you took so long to call.

A simple friend seeks to talk with you about your problems.
A real friend seeks to help you with your problems.

A simple friend wonders about your romantic history.
A real friend could blackmail you with it!

A simple friend thinks the friendship is over when you have an argument.
A real friend calls you after you had a fight.


A simple friend expects you to always be there for them.
A real friend expects to always be there for you!

A simple friend reads this e-mail and deletes it.
A real friend passes it on and sends it back to you!

F - Few
R - Relations
I - In
E - Earth
N - Never
D - Die

'Never frown, even when you are sad, because you never know who is falling in love with your smile. '


--The task ahead of you, is never as great as the power behind you.