"Ayaw mo na siguro ako makausap"
Mga katagang nasabit ko sa kanya no'n bilga syang nawala. Walang awayan ang nangyari basta't sya'y lumisan ng walang paalam. Ako naman ay nahiwagaan kung bakit. Anong mali? Ano ang nagawa ko na ayaw nya? Hindi ko mawari. Hindi ko maintidihan, basta't ang alam ko sya ay wala na.
Isa sya sa pinakamahalagang tao sa buhay ko lalo na nung may mawala sa buhay ko. Sya ang nakakausap ko sa twina, nangigising sa umaga, kukulitin sa hapon at kapuyatan sa gabi. Mahirap kalimutan ang isang tulad nya. Marami syang karanasan na hindi ko pa nararanasan, at maliban sa mga gusto ko sa kanyang pag-uugali ay ang kanyang katalinuhan. Oo, Mas matanda sya sakin. Malaki ang agwat, lima hanggang anim na agwat sa edad. Pero hindi ito naging hadlang upang kami ay maging kaibigan.
Nanghihinayang pa din ako hanggang ngayon kahit dalawang taon na ang nakalipas. Iniisip kung bakit? Ako ba ang dahilan? Sya? or Sila? Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming pinag-awayan.
Mahal ko sya, sa totoo lang. Kaya hinayang na hinayang ako sa aming pagkakaibigan. At ngayon ay nakakaranas na naman ako ng tulad sitwasyong ito. Isa na naman kaibigan na umalis. Siguro ako ang may kasalanan. Siguro ayaw nila sakin, Siguro may nagagawa talaga ako mali. Siguro, Siguro, panay Siguro. Walang kasiguraduhan pero ang sigurado ko lang unti-unti silang nawawala parang bula.
T.T
No comments:
Post a Comment