"mahirap gumawa ng isang bagay na hindi mo lubos maisip kung pano yun mangyayari..."yan ang nasa utak ko ngayon.. hindi ko alam kung bakit ko sya naiisip basta bigla na lang sya pumasok sa utak ko at simulang gumalaw ang aking mga daliri at nagsimula magtayp sa mahiwagang aparato.. mahirap gumawa ng isang bagay? hindi ko alam kung ano ba yun bagay na mahirap gawin? hindi ko din matanto kung pano ko lubos na naisip na mahirap yun bagay na yun yamang wala at hindi ko alam yun bagay na yun..
wala lang .. naisip ko lang biglang baguhin kasi yan ang epekto ng pag hihintay sa mahiwagang aparato,.. sa koneksyon nito sa linyang mahiwaga na kumukonekta sa iba't ibang lupalop ng daigdig.. yang ang epekto ng panunuod ng vampire sucks.. hehe.. dahil ako ay isang kuripot na tao.. nagtyatyaga ako maghanap ng mga site na pwedeng kumonekta ng libre upang mapanuod ang mga panoorin. mahal kasi sa sine.. nakakapanghinayang ng pera.. hindi nabubusog ang tyan ko .. uo.. mata .. pero hindi naman importante kung mabusog ang mata ko sa panunood sa big screen na hatid ng mga mall.. ubos oras.. tulad ngayon.. pero ito na kasi ang nkahiligan ko gawin pagnagrerelax ako.. ang magdownload ng mga movies at mga blog ng sabay.. syempre.. dahil sa mabagal ang koneksyon .. ayun ito na lang ginagawa ko.. tayp dito tayp doon.. (nakakailang ang aso namin kasi habang tinatayp ko ang 'tayp dito at tayp doon' sya naman takbo dito at takbo doon tapos hilata..' galing ng aso ko noh.. ) mabalik tayo.. wla na naman ako maisip.. dahil sa interapsyon ng aso ko.. magaling na aso.. wala na naman espesipikong tema ang blog ko.. lagi naman.. hahaha.. xD basta may mailagay ayos na,, may maitayp ayos na din.. hehe.. xD ano kaya mangyayari bukas? yun na lang.. ano ang mangyayari bukas? syempre dagsaan ang trabaho.. holiday pero madaming gagawing trabaho bale parang walang holiday na dumating.. di ka makalabas ng bahay dahil gagawa ka pa ng grades, sunod yun iba pang raket sa buhay.. at baka magturo pa ng sayawit sa mga batang makukulit.. maglilinis pa ng bahay.. at syempre ng kwarto kong napakagulo... kala mo laging dinadalaw ni ondoy.. grabe .. ganito ba epekto sakin ng pagiisip sa nangyari kahapon.. grabe.. di ko makalimutan .. ang hirap,. di ko maintindihan.. wala ako sa hulog na kumuha ng exam.. sakto natapat pa sa major ko.. haha.. saya diba .. nageexam na walang alam.. wala sa kondisyon.. makapasa kaya ako nun? grabe.. kawawa naman ako.. ayun.. salamat din at ngayon dinatnan na ko ng antok.. eto lang naman ang kadahilanan kung bakit pa ko ng tayptayp ee.. hinihintay ko sya.. at ngayon.. andyan na sya.. at muli kaming magsasama.. kaya paalam na at antok na ko.. matutulog na ko.. bye.. tom ule... ^_^