Pages

Saturday, October 27, 2012

i love patrick star

dalawang taon na rin pala ang nakalipas nun sabihin ko sa kanya ang mga kataga
yun. tipong nagsimula lang sa biruan at asaran at dahil na rin sa pinahintulot ni oras na masabi ko yun mga katagang iyon. naaalala ko pa, tawa ako ng tawa kasi di ko maisip na masasabi ko pala sa kanya yun. aaminin ko, kinilig rin ako nun, pero hindi yun tipong kinikilig sabay hiyaw or sobrang lakas ng tawa, yun tipong napapangiti ka lang. naalala ko pa na parang pinapahiwatig nya na ayaw mo ng pinipilit sabihin ang mga katagang yun. yun tipong kapag sinabi sa kanya e yun tipong tagos hanggang buto.

oo, tagos sa buto. ganun kasi sya kaemong tao, at ganun din sya kasentimental, na sabihin na natin na nagustuhan ko. baduy, madalas pero napapasaya ako lalo na pagmalungkot ako, di ko man ikwento na malungkot ako, alam nya, ramdam nya na may dinadamdam ako.

dalawang beses ko nasabi yun mga katagang yun, at dalawang beses din nya sinabi na hindi sya naniniwala. galing no! naulit ko ang mga katagang yun sa isang araw lang, record yun kung baka sakali, magsabi man kasi ako ng mga katagang yun e, madalang, yun tipong masasabi mo " ano nakain mo? " pero pasalamat na rin ako dahil nasabi ko yun. di na ako naiilang sabihin sa iba ang mga katagang yun, lalo na sa mga taong mahal ko. nagkakahint ka na sa kung ano ba yun katagang sinasabi ko no. mamaya malalaman mo din at masasabi mong tama ang iyong hula.

gusto ko sya? hindi ko alam? sabi nila oo, pero sabi nila hindi kasi mabait "raw" ako kaya wala lang yun. ewan. kapag nandyan sya, ayos lang, sakto lang, kapag wala sya, wala rin naman, hindi sya yun tulad ng napapanuod sa mga palabas na may lalabas na paru-paro sa tyan o kundi naman e, magkikindatan ang mga bituin. pero isa lang ang alam ko, may kailangan man ako o wala, may dinadamdam man ako or masaya, " masaya ako kapag andyan sya parati sa tabi ko"

ugali nya? masungit! napakasungit. masungit kasi sya sakin, lalo na kung pasan nya ang daigdig, yun tipong nagpapakaemo na naman sya at gumagawa na naman ng sariling mundo, siguro kaya naging magkaibigan kami kasi parehas kaming gumagawa ng sarili namin mundo, nakakatawa, pero totoo, masayang gumawa ng sariling mundo na alam mo ikaw ang bida at walang iba. diba mas okay yun. walang ekstra, kontrabida, at ang mahalaga ikaw ang may hawak ng lahat ng nangyayari. hindi naman matatawag na kabaliwan yun, kalikhaan ng pagiisip, pwede pa. mataba kasi mga utak namin.

sa mga minuto,oras, buwan at taon na nagdaan at kung itatanong mo kung naulit ang pagsabi ko sa kanya ng katagang yun, hindi na, ni pabiro di ko masabi. hindi ko alam kung bakit, basta naiilang ako. siguro di ako sanay sabihin yun sa kanya? ewan! magulo kasi utak ko e. o baka siguro masasabi ko lang uli yun kapag alam ko na sa sarili ko at napatunayan ko na totoo ang mga katagang yun.

katagang uulit-uulitin ko, yun tipong di ako magsasawa at sana, sana, sana masabi rin nya sa akin kahit minsan ang katagang yun.

katagang nasa itaas.



























































*patrick star kasi yun sya, kasi ganun sya! October 25

No comments: