May mga bagay sa buhay minsan na di natin maintindihan kung bakit nangyayare… nakakawalang loob at nakakalungkot… but choose to trust God knowing that He is FAITHFUL even when we are not… :)
Yan ang natutuhan ko sa isang kaibigan. Iasa ang lahat sa Kanya ang lahat ng bagay. Bahala na Sya kung baga andyan naman sya para tulungan ka, dahil ang lahat ng bagay may purpose. Hindi nangyari yon dahil tadhana na iyon dahil nangyari iyon dahil may nangyaring kapabayaan. Kapabayaan na di mo napansin na ang nakalimutan mo ay ISA sa pinakamahalaga. Ang mag TIWALA. Kaya resulta? Kasawian. Pero kung iisipin? Bakit ba nangyari iyon? Wala ka namang ginawang masama, sa kabaliktaran pa nga eh, nagpapasaya ka pa ng ibang tao. Tumutulong sa abot ng iyong makakaya. Pero naisip mo na din ba na baka mali ang rason mo? Di mo rin ba naisip na "baka hindi talaga mahalaga iyon? pakiwari mo lang na mahalaga talaga at naging gayon ang resulta. Yamang Sya ay Marunong Maylikha baka itinutiwid ka lang sa maling mong adhikain. Baka dahil na din sa masyado kang nananalig sa sariling mong kakayahan. Minsan naging ganyan din ang aking pananaw, "kaya ang lahat basta may pagsisikap". Totoo, kailangan talaga ng pagsisikap para maabot ang mga kagustuhan sabi nga ee.. kung wala itinanim walang aanihin, pero hindi lamang iyan ang sangkap para maging tunay na masaya. Maging tunay na maligaya. TUNAY NA MAUNLAD o successful ika nga. Kundi ang RELASYON mo hindi sa tao kundi sa naglalang sayo.
Pwedeng masabing pinagpala ako dahil sa hindi ko naman nakukuha ang lahat ng gusto pero sa paanuman ay may kaya ang pamilya namin. Nakakain kami ng 3 beses sa isang araw bonus pa kung may meryenda at midnight snack. May sarili ako computer na ngayon ay aking ginagamit. Wala man akong cellphone ee meron naman ako ibang pinaglilibangan. Masaya ang pamilya namin. Walang masyadong nagkakasakit yamang hindi naman ito naiiwasan. Meron kaming tiwasay na pamumuhay. Hindi man kalakihan ang bahay namin ay maayos at masasabi mong isang bahay na puno ng kulay. Pwedeng literal na maraming kulay dahil sa pintura at iba pang dekorasyon at pwede din makahulugan dahil sa iba't ibang ligaya at drama na nangyari sa buhay namin. at higit sa lahat, NAKAKAPAGARAL ako, ngayon ko lang nalaman *I mean sa tv na papanuod ko sya* pero madalas ay wala lang sakin yun dahil nga sa di ko naranasan ang nararanasan nila. na may mga taong pilit na gusto makamtan na makapagtapos sa paanumang paraan. Ngayon lang ako nakaparinig. *mismong ako ang nakasaksi* na may mga ganun palang mga sitwasyon na akala ko sa telenobela lang mangyayari.
Isa lang napagtanto ko, Yamang PINAKAMAHALAGA ang sangkap na nasa itaas para mas lalo mo itong mapahalagahan DAPAT ay marunong ka din magpaSALAMAT sa lahat ng bagay. As in lahat. Masama man o mabuti pero syempre pa di ko sinabing gawin mo ang masama para maappreciate mo din yun, ang pagkakaalam mo sa isang bagay na nangyari na kahit di mo ito tunay na nagampanan ay pwede na maging isang karanasan na pwede mong ikatuto.
Bale sa lahat lahat. Ito lang yun.
MAGTIWALA KA SA KANYA ILAKIP ANG PASASALAMAT AT PAGSUSUMAMO AT HIGIT SA LAHAT MATAKOT. Hindi takot na nadarama ng isang tao,tulad ng pagkatakot na makakita ng mumu, mapalo ng sinturo ng magulang, mawalan ng boyfriend/girlfriend, kundi ang gumawa ng mali. ANG RELASYON MO SA KANYA ANG GAWIN MONG PARYORIDAD NG BUHAY MO. Hindi ang iyong tagumpay, ang iyong sarili. o ang accounting or anu pa man kundi ANG PAGLIKURAN SYA HABANG BUHAY. Ang maging KAIBIGAN nya HABANG BUHAY.
:) SALAMAT .
No comments:
Post a Comment