Pages

Saturday, June 26, 2010

my dossier

SIMULA

Ano daw?

Eto na siguro ang magiging panibagong bahay ko sa pagsusulat. first time ko ang magsulat sa blog at medyo magulo ang utak ko. Marami akong plano naiisip pero ang lahat ng iyon ay plano lang. Plano para sa blog na eto, plano para sa mga lumang blog, at plano para sa dating kong pinagsusulatan (ang papel at bolpen na makikita pakalat-kalat sa loob ng aming klasrum, notebook ko at notebook nila, kahit hindi ko kilala,lamesa ko, lamesa ni B1 at lamesa sa lab namen, sama na rin natin yung sa lamesa sa comp, pati sa library, at favorite ko.. mGa padER, (mamimiss ko kayo,T_T))hay. Nalilito na ko kung paano ko ito sisimulan ito.

Medyo magfofocus ako sa sa topic na nararanasan ng bawat nilalang, ang life after death pero joke lang yan. Life after graduation (kasama na rin yung graduation ko now) at ang quarter life crisis pati narin ang personal development ang magiging topic ko dito. Syempre makakabasa kayo ng mala-magpakailanman at maalala mo kaya entries pero syempre hindi na ito babasahin ni Mel at ate Charo baka sumikat pa ako..wehhh(^^)

Mabalik tayo. Maraming tayong karanasan na nadadaupang-palad, ngunit subalit nadapwat wala akong masabi at isa rin jowk yun.. tawa naman kayo, masyado na kayong seryoso.. move on.

Oh, Move on daw. Madalas ko etong naririnig na payo ng mga kaibigan para sa mga kaibigang bigo. Applicable din ito sa lahat. Sometimes we make mistakes and because of that mistake we fall down and suffer. It’s hard to move on but we must and start something new. Leave the past and believe that everything will be fine, diba nakakanose bleed?

Sa isang taong nakalipas, marami akong natutunan. Natuto akong maging pasensyosa, gumawa ayon sa budhi ko, isang taon ba naman, akalain nyo yun. Marami rin akong narealize. Narealize ko na walang ibang makakapagdecide para sayo kundi sarili mo lang. Wala na akong mapanghahawakan pang iba bukod dito, pero alam ko kahit paano magagamit ko eto para makatipid, nakakaubos kasi ng bolpen at nakakasakit sa kamay ang pagsusulat, ngayon magsusuffer na lang ako sa pananakit ng batok at alam ko rin na magsusuffer din kayo.. kaya damay-damay na to. HAHA


eto lang naman yun una kong entry sa blog sa fs.. wala lang nirepost ko lang.. hehe :]

namimiss ko na kasi ang pagpost ng entry dun.. haist! bat pa kasi nahacked..

october 28, 2008 exactly 11:03 am when i created this entry..

http://notymforluv22.blog.friendster.com/

No comments: